Batas Rizal

Mga Layunin

1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng Batas Rizal

2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang tunay na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal

3. Tulungan ang mga mag-aaral na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas.

4. Patunayan na makatwiran ang pagpapatupad ng Batas Rizal

  1. i. Ano ang Batas Rizal?

Higit na limampung taon na ang nakalipas mula nang ipinatupad and Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo 1956 noong ito’y tinatawag pang House Bill No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad ng mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang batas na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba’t-ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad ang Batas Rizal.

Nakasaad sa Batas Rizal na kailangan isama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, kolehiyo at unibersidad, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bukod pa dito, nakasaad din batas na ito na obligado ang bawat kolehiyo at unibersidad na magkaroon at magtago sa kanilang mga silid-aklatan ng sapat na orihinal na sipi at makabagong bersyon ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pati na rin ang mga ibang isinulat ni Rizal, kabilang na rito ang kanyang talambuhay. Isinusulong din ang pagsalin ng mga ito sa Ingles, Tagalog o iba pang diyalekto at ang pagimprinta sa mababang halaga at pamamahagi ng libre sa mga mamamayang nais magbasa nito sa pamamagitan ng Purok organizations at Barrio Councils.

ii. Mga Layunin ng Pagpapatupad ng Batas Rizal

Ilang mga layunin ang isinaad upang higit na maunawaan ang kahalagahan ng paglilikha ng Batas Rizal. Isa dito ay dahil kailangan na muling buhayin ang kalayaan at nasyonalismo kung para saan ang ating mga bayani’y nabuhay at nag-alay ng kanilang mga buhay. Sa tulong ng batas na ito, mapapaalala sa bawat mamamayang Pilipino ang mga dugo’t pawis na inialay ng ating mga bayani na maaaring maging ispirasyon sa bawat isa sa pagtulong sa pagpapatayo ng isang bansang matagumpay. Pangalawa, ito ay upang bigyang parangal ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaalala sa mga mamamayang Pilipino ang kanyang mga nagawa at naipaglaban para sa kalayaan ng sariling bayan. Ito ang magsisilbing paalala narin ng ating mga responsibilidad bilang isang Pilipino, lalong lalo na sa mga kabataan. Pangatlo, ito ay upang magsilbing inspirasyon sa kabataang Pilipino kung saan sila’y nasa lebel pa lamang ng paglilinang ng kanilang mga isipan at ayon sa ating bayani, ang pag-asa ng bayan.

Panig ng mga Sumasang-ayon sa Pagpapatupad ng Batas

* Enemies that threaten the very foundations of our freedom” ang tawag ni Mayor Arsenio H. Lacson sa sinumang sumalungat sa Rizal Bill.

* Ipinaalala ni Hen. Emilio Aguinaldo kung paano pinigilan ang mga Pilipino basahin ang mga isinulat ni Rizal. Aniya, “ang impluwensiya ng mga Espanyol ay nabubuhay pa rin sa mga pari ngayon. “

* ang pagkabayani ni Rizal ay nakikita sa dalawang nobelang isinulat ni Rizal. Kung kaya, ang sinumang sumalungat sa Batas Rizal ay para naring inaalis si Rizal sa kanilang isipan.

Panig ng Sumasalungat sa Pagpapatupad ng Batas

* ang mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay naglalaman ng mga pahayag na subersibo o laban sa simbahan. Ayon sa simbahan, ang sinumang makabasa nito ay maaaring mag-iba ang paniniwala o sumalungat sa mga itinuturo ng simbahan.

* mistulang may monopoly ng patriyotismo ang grupo ni Recto, gayung noong panahon ng digmaan, ang ilang mga nagsulong ng Batas Rizal ay nagsilbing collaborator ng Hapon.

* “Our objection then to the Bill proposed is not an objection against our national hero nor against the imparting of patriotic education to our Children… We believe that to compel Catholic students to read a book which contain passages contradicting their faith constitutes a violation of  a Philippine constitutional provision.” (The Statement of the Philippine Heirarchy)

Mga rebisyon sa Pagpapatupad ng Batas

* gumawa ng bagong panukalang batas Si Sen. Laurel na naglalaman ng mga bagong probisyon na hindi lalabag sa konstitusyon.

* pinayagan ang pagbabasa ng mga nobela sa makabagong bersyon at hindi na ginawang “compulsory ” ang pagbabasa ng dalawang nobela sa kanilang orihinal na kopya.

* isama ang buhay, mga ginawa at isinulat ni Rizal sa kurikulum ng mga paaralan sa kolehiyo at unibersidad at ang orihinal na sipi ang kailangan gamitin upang basehan ng pagbabasa.

* ito ay magiging bahagi ng kurikulum ng paaralan kung saan ito’y itinuturo ng isang gurong higit na may nakakaalam sa kurso. Ang mga mag-aaral ay mamarkahan sa pag-aaral nito at anumang pagbagsak dito ang siyang magiging hadlang sa kanyang pagtatapos ng anumang kurso.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s